Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -:Balitang ABNA :- Ang bangkay ni Seyyed Hashem Safiuddin, ang dating Secretary General ng Hezbollah sa Lebanon, ay inilibing sa kanyang walang hanggang libingan sa kanyang bayan ng rehiyong "Deir Qanun", sa katimugang Lebanon, pagkatapos ng seremonya ng pag-libing nang mahigit limang oras.
Ang mga kinatawan na ipinadala ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ng Iran, mga tauhan sa pulitika, mga kumander ng militar at mga kinatawan ng iba't ibang grupong Lebanese at mga Palestino, gayundin si Mojtaba Amani, ang ambassador ng Islamikang Republika ng Iran sa Beirut, ay naroroon din sa seremonya ng pag-libing kay Seyyid Safiuddin.
Ang mga kalahok sa seremonya ng psg-libing, umaawit at kumanta ng mga slogan laban sa rehimeng Zionista at sumisigaw ng "Hey'at Mena Al-Zellah" ang naghatid sa martir na si Safiuddin sa kanyang walang hanggang libingan.
Noong nakaraang araw, ang ika-milyong seremonya ng libing ng mga martir, na sina Seyed Hassan Nasrallah at Seyed Hashem Safieddin ay ginanap sa Katimugnag Nayon ng Beirut, ang kabisera ng Lebanon.
Si Seyyed Hashem Safiuddin, ang dating Kalihim ng Heneral ng Hezbollah ng Lebanon, ay naging martir noong kalagitnaan ng Oktubre 2024 sa pag-atake sa himpapawid ng hukbo ng rehimeng Zionista laban sa katimugang Nayon ng Beirut.
Gayundin, inihayag ng Hezbollah sa isang pahayag na tuwing Martes at Miyerkules, ika-7 at ika-8 ng Marso, mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga at mula 15:30 hanggang 17:30 naman ng hapon, handa itong tanggapin ang mga darating na mga dadalo upang batiin at madamay ang pagkamartir kay Seyyed Hassan Nasrallah at Si Seyyid Safiuddin sa katimugang bahagi ng Hasrallah at Safi, sa Beirut.
...............
328
